Hawak na ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio ang tseke na nagkakahalaga ng P220,000 na tulong para sa pamilya ng pinaslang na Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait na si Juleebee Ranara.
Ayon kay Ignacio, liban sa tulong na matatanggap ng pamilya ni Ranara dahil sa pangyayari, tiniyak nito na sasagutin ng kanyang tanggapan ang pag-aaral ng mga anak ng pinaslang na OFW hanggang makapasok ang mga ito sa kolehiyo.
Pinasalamatan din ni Ignacio si Senador Raffy Tulfo na nag-abot ng tulong pinansiyal para sa mga naiwan ni Ranara.
Si Ranara ay sinunog ng labing-pitong taong gulang na anak ng kanyang amo sa Kuwait.
Samantala, hinihintay pa ng OWWA ang resulta sa imbestigasyon ng mga otoridad ng Kuwait para makamit ni Ranara ang hustisya.