dzme1530.ph

₱242.5-M halaga ng food packs, naka-preposition na sa mga rehiyon sa Northern Luzon sa harap ng epekto ng bagyong Julian

Naka-preposition na sa mga rehiyon sa Northern Luzon ang mahigit 263,000 family food packs na nagkakahalaga ng ₱242.53 million, para sa mga masasalanta ng bagyong Julian.

Ayon sa Presidential Communications Office, may naka-standby nang mahigit 75,000 food packs na nagkakahalaga ng ₱56.13 million sa Ilocos Region, at mahigit 123,000 food packs na nagkakahalaga ng ₱136.15 million para sa Cagayan Valley.

Mayroon ding mahigit 64,000 food packs na nagkakahalaga ng ₱50.24 million para sa Cordillera Administrative Region.

Kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa malaking bahagi ng hilagang Luzon sa harap ng epekto ng bagyong Julian. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author