Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ₱6.793-T proposed national budget para sa 2026, na 7.4% na mas mataas kaysa sa 2025 budget at katumbas ng 22% ng gross domestic product (GDP).
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), bibigyang-prayoridad sa panukalang badyet ang sektor ng social services, lalo na ang edukasyon.
Ang 2026 proposed budget ay nakabatay sa Philippine Development Plan at layuning itaguyod ang programang “Bagong Pilipinas.”
Pinakamalaking bahagi ng pondo ay ilalaan sa maintenance and other operating expenses, sinundan ng personnel services, capital outlays, at financial expenses.
Isusumite sa Kongreso ang National Expenditure Program (NEP) sa loob ng 30 araw mula sa pagbubukas ng regular session.