dzme1530.ph

₱50 na pasahe sa jeep, posible

Hindi malayong umabot sa P50 ang pamasahe sa jeep kung mapapalitan na ng modernized public utility vehicle ang mga traditional jeepney.

Ito ang inihayag ni Commuters of the Philippines Chairperson Julius Dalay, dahil malaki ang epekto sa pamasahe ng PUV Modernization dahilan sa malaki ang magiging amortization para mabili ang mga makabagong jeepney.

Binigyang-diin ni dalay na masakit ito sa bulsa ng mga komyuter, lalo’t ang jeep ang inaasahan ng masa pagdating sa murang pasahe.

Samantala, maaari aniyang lumipat ng trabaho ang ilang empleyado kung magma-mahal ang pamasahe sa jeep, pwede rin na magbisikleta na lamang o kaya ay maghanap ng trabaho na work-from-home. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author