dzme1530.ph

₱3-M halaga ng ukay-ukay nasabat ng PCG sa Matnog Port

₱3-M halaga ng mga undocumented used clothes (ukay-ukay) nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Matnog Port, sa Sorsogon.

Habang nagsasagawa ng panelling inspection, napansin ng PCG K-9 team ang mga bundle ng mga gamit na damit sa loob ng sasakyan.

Sa pagtatanong, nabigo ang driver na magpakita ng mga kaukulang dokumento kaugnay ng legalidad ng nasabing mga bagay.

Agad kinumpiska ng PCG ang mga gamit dahil nilabag ng driver ang Republic Act No. 4653 o batas para pangalagaan ang kalusugan ng mga tao at mapanatili ang dignidad ng bansa sa pamamagitan ng pagdeklara nito bilang pambansang patakaran na ipagbawal ang pag-aangkat ng mga tela na karaniwang kilala bilang used clothing at basahan.

Ang mga nakumpiskang ukay-ukay ay agad i-tinurn over ng PCG sa ahensiya ng Bureau of Customs (BOC) para sa imbestigasyon at tamang disposisyon. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author