dzme1530.ph

Zayn Malik, ibinunyag ang totoong dahilan ng pag-alis sa One Direction

Nagpakatotoo si Zayn Malik sa isang pambihirang interview at ibinunyag ang totoong dahilan ng kanyang pag-alis sa One Direction.

Si Zayn ang unang miyembro ng boy band na kumalas noong 2015, sa pagsasabing nais niyang maging normal 22-year-old na puwedeng mag-relax at magkaroon minsan ng private time nang malayo sa spotlight.

Isiniwalat ng musician na bago siya umalis ng banda ay nagkaroon aniya ng “difficult times” ang mga miyembro.

Aniya, araw-araw silang magkakasama sa loob ng limang taon hanggang sa nagkakainisan na sila, at nagkaroon na ng sobrang politika.

Inamin ni Zayn na nagsisimula na rin niyang makita ang mga senyales na posibleng panahon na para lisanin niya ang grupo.

Gayunman, nagkaroon aniya sila ng great experiences at masaya siya sa naging pinagsamahan nila, subalit kailangan nila na magpatuloy.

Ang One Direction na nabuo sa singing competition na “The X Factor,” ay kinabibilangan nina Zayn, Niall Horan, Harry Styles, Louis Tomlinson at Liam Payne, ang nagpasikat sa mga kantang “What Makes You Beautifcul,” “Night Changes,” “One Thing,” at marami pang iba. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author