dzme1530.ph

WPS issue, inaasahang tatalakayin ng Pangulo sa Shangri-la dialogue sa Singapore

Inaasahang tatalakayin ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sigalot sa West Philippine Sea, sa kanyang keynote address sa Shangri-la dialogue sa Singapore.

Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Foreign Affairs Assistant Secretary Aileen Mendiola-Rau na inaasahang mababanggit ang isyu sa Shangri-la dialogue, na dadaluhan ng defense ministers, military chiefs, gov’t officials, at security experts mula sa iba’t ibang bansa.

Sinabi naman ni DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza na ang forum ay magandang plataporma para sa Pilipinas upang ipabatid ang posisyon sa WPS issue.

Si Pang. Marcos ang napili ngayong taon para magbigay ng keynote address sa Shangri-la dialogue, na pinangasiwaan ng International Institute for Strategic Studies think tank para sa pagtalakay sa mga isyu sa seguridad, depensa, at regional at global issues.

Magiging bahagi rin ito ng pagsusulong ng pangulo sa payapa, ligtas, at masaganang Pilipinas.

About The Author