Pinaghahandaan na ng pamahalaan ang posibleng ”worst case scenarios” pagdating sa suplay ng bigas, dala ng banta ng tagtuyot.
Ayon kay D.A Asec. at deputy spokesman Rex Estoperez, tulad ng ibang kalamidad, pinagtutuunan din ng pansin ng kanilang ahensiya ang maaaring epekto ng El Niño sa agricultural production.
Tututukan din anila ang pagtugon sa mga tumatagas na tubig sa irrigation system upang hindi maaksaya.
Matatandaang sinabi ng PAGASA na Visayas at Mindanao ang pinakamapupuruhan ng matinding tag-init, na posibleng mabuo sa Hulyo, Agosto hanggang Setyembre na maari pang magtagal hanggang sa susunod na taon.
Gayunman, pagtitiyak ni Estoperez, gumagawa ang pamahalaan ng kinakailangang paghahanda para sa buong bansa.