dzme1530.ph

World Youth Day sa Lisbon, Portugal, dadaluhan ng mahigit 900 pilgrims mula sa Pilipinas

Mahigit 900 pilgrims mula sa Pilipinas ang nakatakdang dumalo sa World Youth Day (WYD) sa Lisbon, Portugal simula sa August 1 hanggang 6.

Ang Pilipinas ang pinakamalaking delegasyon para sa WYD sa lahat ng Southeast Asian Countries ngayong 2023.

Una nang ipinagpaliban ng Simbahang Katolika noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic, mahigit 300,000 kabataan mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang inaasahang lalahok sa WYD ngayong taon.

Inaasahan ding pangungunahan ni Pope Francis ng iba’t ibang aktibidad, kabilang na ang pag-preside sa missioning mass sa huling araw ng event.

Ang World Youth Day ay isang International event para sa mga kabataan na inorganisa ng Simbahang Katolika na sinimulan ni Pope John Paul II noong 185 at ginaganap tuwing ikatlong taon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author