Aabot sa 60% ang posibilidad na mag-develop sa Hulyo ang El Niño at 80% tiyansa na manalasa ito sa katapusan ng Setyembre.
Ito ang ibinabala ng World Meteorological Organization (WMO) ng United Nations (UN) kung saan asahan ang pagkakaroon ng pagbabago ng panahon at klima sa buong mundo, na maaaring magdulot ng bagong heat records bunsod ng mararanasang matinding tagtuyot.
Ayon kay WMO chief Petteri Taalas, kinakailangang maghanda ang lahat ng bansa sa posibleng world record sa temperatura nang pag-develop ng El Niño.
Dapat aniyang magkaroon ng early warning devices ang mga ito na makatutulong sa pagtiyak sa kaligtasan ng publiko laban sa init.
Nabatid na 2018 hanggang 2019, nang naganap ang warming effects ng El Niño sa buong mundo.