Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development na nag-alok ang World Bank at Asian Development Bank na pondohan ang Food Stamp program ng Marcos Administration na naglalayong suportahan ang 1-M “Food-Poor” families simula 2024 hanggang 2027.
Ang “Walang Gutom (No Hunger) 2027” program ay mangangailangan ng P40-B upang mabigyan ang mga targeted beneficiaries ng P3,000 na halaga ng food stamps kada buwan.
Inihayag ni DSWD Usec. Eduardo Punay na plano nilang ilunsad ang programa simula sa Hulyo hanggang Disyembre na may $3-M o P168-M na technical assistance mula sa ADB.
Ang mga tinukoy na “Food-Poor” ay mga pamilyang Pinoy na nabibilang sa lowest income bracket o mayroong buwanang kita na mas mababa sa P8,000. —sa panulat ni Lea Soriano