dzme1530.ph

WFH arrangement sa gov’t offices at asynchronous classes sa public schools sa Oct. 31, pinayagan ng Malacañang

Pinayagan ng Malacañang ang work from home arrangement sa mga tanggapan ng gobyerno at asynchronous classes sa mga pampublikong paaralan, sa Oktubre a-31, araw ng Martes.

Sa Memorandum Circular no. 38, nakasaad na ito ay upang mabigyan ng oportunidad ang gov’t employees na gunitain ang All Saints’ Day sa November 1, at upang bigyang daan ang kanilang paglalakbay sa iba’t ibang rehiyon.

Nilinaw naman ng palasyo na magpapatuloy pa rin ang usual operations at in person services ng mga ahensyang naghahatid ng basic and health services, disaster at calamity response, at iba pang vital services.

Nakasalalay din sa mga pribadong kumpanya at paaralan kung pahihintulutan nila ang work-from-home sa October 31. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author