dzme1530.ph

Water shortage, inaasahang tinutugunan na ng Water Resources Management Office

Kumpiyansa si Senate Committee on Public Services chairperson Grace Poe na tinutugunan na ng binuong Water Resources Management Office (WRMO) ang water shortage na nararanasan sa mga tahanan, business establishments at ng sektor ng agrikultura ngayong dry season.

Ipinaalala ni Poe na maaaring maiwasan ang water crisis kung maayos ang mga polisiya na ipinatutupad kaugnay sa pamamahala sa suplay ng tubig.

Kung tutuusin anya ay hindi na bago sa bansa ang El Niño kaya dapat may nakalatag nang contingency measures ang mga otoridad at water concessionaires sa pagharap sa sitwasyong ito.

Ipinunto ng mambabatas na sa kabila ng maraming water-related agencies sa bansa, kapos ang mga ito sa common goals na magtakda ng klarong direksyon at aksyon tungo sa water security para sa lahat ng mga Pilipino.

Kaugnay nito, nanindigan si Poe na patuloy niyang isusulong sa Senado ang panukala para sa pagkakaroon ng Department of Water Resources, na magsisilbing permanenteng ahensyang mangunguna sa komprehensibong development at management ng water reosurces ng bansa. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author