dzme1530.ph

Water level sa Angat, at 5 pang dam sa bansa, patuloy sa pagbaba

Bumaba pa ang water level sa 6 na dam sa bansa, kabilang ang Angat dam, bunsod ng kawalan ng ulan.

Ayon sa PAGASA, bumaba sa 181.57 metro ang water level sa Angat mula sa 181.93 metrong lebel nito noong Lunes.

Nangangahulugan na 1.57 meters nalang ang agwat nito bago umabot sa tinatawag na 180 minimum operating level ng Angat dam.

Bukod sa Angat dam, nabawasan rin ang tubig sa Ipo dam, Ambuklao, Binga, Pantabangan at Caliraya dam.

Pagtitiyak naman ng National Water and Resources Board (NWRB) na sapat ang tubig sa Angat dam upang masuplayan ang kinakailangang tubig ng NCR at mga kalapit nitong lalawigan.

About The Author