Bumaba pa ang water level sa pitong dam sa bansa, bunsod ng mainit na panahon at kawalan ng ulan.
Ayon sa PAGASA, bumaba sa 199.76 metro ang water level sa Angat mula sa 200.01 metrong lebel nito noong Sabado.
Bukod sa Angat Dam, nabawasan rin ang tubig sa Ipo Dam, Binga Dam, San Roque Dam, Pantabangan Dam, Magat at Caliraya Dam.
Pagtitiyak naman ng National Water and Resources Board (NWRB) at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na sapat ang tubig sa Angat Dam upang masuplayan ang kinakailangang tubig ng NCR at mga kalapit nitong lalawigan hanggang Disyembre.