dzme1530.ph

Water interruptions mararanasan sa ilang lugar sa Metro Manila

Magpapatupad ng water service interruption ang Manila Water Company sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Epektibo na mamayang alas-10 ng gabi ang anim na oras na pagka-antala sa suplay ng tubig sa ilang barangay ng Marikina City at Antipolo, Rizal, dahil sa zero pressure test.

Apektado rin ng water interruption ang mga residente ng Pasig City at Quezon City na dulot naman ng step testing at line maintenance.

Ayon sa Manila Water, ang temporary water supply interruptions ay tatagal hanggang June 13.

About The Author