dzme1530.ph

Warm compress, mainam sa mild eye conditions

Ang warm compress ay matagal nang traditional home remedy para sa maraming mild ailments. Ang paggamit nito ay inirerekomenda ng mga doktor at medical professionals para maibsan ang ilang kondisyon.

Ang compresses ay ginagamitan ng malinis na tela na inilublob sa mainit na tubig saka ilalagay sa apektadong bahagi ng katawan.

Nakatutulong ang dala nitong init at moisture sa ilang kondisyon upang maibsan ang pananakit, pamamaga, at iba pang discomfort.

Mainam din ang warm compress sa mild eye conditions, gaya ng styes o kuliti, pangangati, panunuyo, pamumula ng mata, at impeksyon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author