dzme1530.ph

Warden ng Malabon City Jail, sinibak sa puwesto sa naganap na kaguluhan

Sinibak sa pwesto ang Warden ng Malabon City Jail kasunod ng nangyaring insidente sa mga persons deprived of liberty sa naturang piitan.

Ayon kay BJMP spokesperson Chief Insp. Jayrex Joseph Bustinera, tinanggal na muna sa kanyang pwesto si JSupt. Joseph Tacdoy habang gumugulong ang imbestigasyon sa insidente.

Matatandaang, nagsimula ang kaguluhan matapos na ibiyahe ang dalawang mayor papunta ng Bicutan.

Aniya may court order naman sa naturang paglilipat pero sa gitna nito ay sumiklab ang kaguluhan na nagresulta ng paninira ng gamit.

Batay sa natanggap nilang reklamo, hindi umano patas ang ginagawang paglilipat sa preso ni Supt. Tacdoy.

Nagtalaga na rin ng OIC sa nasabing piitan. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author