dzme1530.ph

Walkthrough sa dadaanang ruta ng traslacion ng Nazareno sa 2024, isinagawa

Nagsagawa ng walkthrough ang kinatawan ng Quiapo Church, mga Pulis, at ilang ahensya ng gobyerno sa dadaanang ruta ng traslacion ng Nazareno sa 2024.

Sinimulan ito sa Quirino Grandstand at nagtapos sa Quiapo Church.

Kabilang sa lumahok sa aktibidad ang mga miyembro ng Manila Police District Command at Hijos del Nazareno.

Samantala, ang walkthrough ay isinasagawa upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto na inaasahang dadalo sa prosisyon sa January 9, 2024, o ang Feast of the Black Nazarene. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author