Tinaya sa tatlumpu’t walong libong deboto ang nagtipun-tipon sa Quirino Grandstand, sa Maynila, kahapon para sa “Pagpupugay sa Poong Hesus Nazareno” sa pamamagitan ng pagpupunas ng mga panyo sa imahen ng Itim na Nazareno.
Patuloy ang pagdating ng mga deboto sa Quirino Grandstand para sa taunang Kapistahan ng Nuestro Padre Hesus Nazareno ngayong enero a-nueve.
Ang “pagpupugay” ang ipinalit sa tradisyunal na “pahalik” bilang pagtalima sa COVID-19 Health Protocols.
Samantala, kahapon ng madaling araw ay nasa walumpu’t walong libong deboto ang dumalo sa kauna-unahang Walk of Faith o Lakad Pananampalataya mula Quirino Grandstand patungo sa Simbahan ng Quiapo sa Maynila ayon sa Quiapo Church Command Post (QCCP).
Ala-una y medya ng madaling araw ng magsimula ang prusisyon sa Quirino Grandstand patungo Quiapo Church na tumagal lamang ng higit dalawang oras, binagtas ng nasabing prusisyon ang tradisyunal na ruta ng Traslacion.