Suspendido ang unang araw ng klase sa ilang paaralan sa bansa ngayong araw, August 29, dahil sa bagyong Goring.
Kabilang sa mga nag-anunsyo ng kanselasyon ng pasok salahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa:
-bayan ng Alitagtag at Nasugbu sa Batangas
-Bacolod City
-Probinsiya ng Cagayan
– Cauayan, Isabela
– Guimaras Province
-Iloilo City (pre-school hanggang Senior High School)
Wala ring pasok sa lahat ng antas sa mga bayan ng Iloilo Province kabilang ang Balasan, Concepcion, at Lambunao.
Gayundin sa Libertad, Antique (pre-school to High School)
At all levels sa Nabas, Aklan; Himamaylan, Pontevedra, Sagay sa Negros Occidental; Mamburao, Rizal, Sta. Cruz, Occidental Mindoro; Pilar, Capiz at San Remigio, Cebu.