dzme1530.ph

#WalangPasok: Class suspension, idineklara sa iba’t-ibang lugar sa bansa ngayong araw, Aug. 3

Suspendido na ang pasok ngayong araw, August 3, sa ilang lugar sa bansa dahil pa rin sa masamang panahong dulot ng Habagat na pinalalakas pa ng bagyong Falcon na nasa labas ng teritoryo ng bansa.

Kabilang sa mga nag-anunsyo ng kanselasyon ng pasok ang mga sumusunod:

-Lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod ng Maynila, Malabon, Caloocan at Navotas.

Mananatili namang suspendido hanggang bukas, Aug 4, ang klase sa Angeles City, Pampanga at Dagupan City na may suspensiyon din ng pasok sa tanggapan ng gobyerno katulad ng Lingayen, Pangasinan.

Habang, wala ring pasok ngayong araw sa preschool hanggang senior highschool, private at public schools, sa Baguio City.

About The Author