dzme1530.ph

Walang Pilipinong nadamay sa NYC parking garage collapse —DFA

Walang Pilipinong nasaktan matapos gumuho ang garahe ng isang gusali sa Manhattan, New York City noong Martes.

Ito ang tiniyak ni Dept. of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega base sa isinumiteng report ni Philippine Consul General Senen Mangalile.

Matatandaang isang manggagawa ang nasawi at lima ang sugatan nang gumuho ang garahe sa ikalawang palapag ng isang gusali sa nasabing lugar.

Sinabi naman ng mga otoridad na wala silang nakikita na ibang dahilan ng insidente maliban sa pagbagsak ng istruktura.

About The Author