dzme1530.ph

VP Sara, hindi pa nakakausap si Mayor Baste Duterte tungkol sa panawagan nitong magbitiw si PBBM

Naniniwala si Vice President Sara Duterte na “brotherly love” ang nagtulak sa kanyang kapatid na si Davao City Mayor Baste Duterte para hamuning magbitiw sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Inamin naman ni VP Sara na hindi pa sila nagkakausap ng nakababatang kapatid, tungkol sa panawagang resignation ng pangulo.

Kasabay nito ay ang pagpalag ng bise presidente sa pangungutya na natatanggap niya mula sa ilang sektor na sumusuporta sa punong ehekutibo.

Sa kanyang talumpati sa Davao City kahapon, nanawagan si Mayor Baste kay Pangulong Marcos na kung wala itong pagmamahal at ambisyon sa bansa ay bumaba na lamang ito sa poder.

Tinawag din ng alkalde na tamad at walang malasakit, ang pangulo, at mas inuuna ang politika kaysa sa paglilingkod sa taumbayan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author