![]()
Hinikayat ni Vice President Sara Duterte ang kanilang mga tagasuporta na maging vigilante laban sa anumang pagtatangka ng pagbabaluktot ng batas para sa political interest.
Sinabi ni VP Sara na ang pag-aresto sa kanyang ama, isang taon na ang nakalilipas, ay paalala na hindi dapat gamitin ang batas bilang sandata sa political o personal interests.
Idinagdag ng bise presidente na ang anibersaryo ng pagkakadakip sa kanyang ama ay panawagan para sa lahat na manatiling malaya, tapat, at matatag ang institusyon laban sa anumang pagsubok.
Binigyang-diin ni VP Sara na ang pagyurak sa karapatan ng isang indibidwal sa pamamagitan ng mga iregular na proseso ay hindi lamang pag-atake sa katarungan kundi hamon sa pambansang soberanya.
Wala aniya ni isang Filipino ang dapat pagkaitan ng due process at proteksyon sa Konstitusyon.
