dzme1530.ph

VP Sara Duterte, nanawagan ng panalangin kasabay ng paggunita ng Undas

Bilang paggunita sa Undas ngayong taon, nanawagan si vice President Sara Duterte sa mga Pilipino na manalangin at pagnilayan ang pananampalataya at debosyon ng mga Santo sa Diyos.

Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na ang All Saints’ Day ay isang paalala upang alalahanin ang katapangan na ipinakita ng mga Santo, at ang habag, awa at walang hanggang pag-ibig ng Panginoon.

Hinikayat din ng Pangawalang Pangulo ang mamamayang Pilipino na humingi ng proteksyon sa Diyos laban sa mga kalamidad, giyera, at iba pang gulo na banta sa kaligtasan at seguridad.

Una nang humiling si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng makabuluhang Undas para sa mga Pilipino. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author