dzme1530.ph

VP Sara Duterte nanawagan ng kapayapaan sa Middle East

Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga Pilipino na ipakita ang pagnanais na matigil ang kaguluhan at itaguyod ang kapayapaan sa Middle East.

Sa isang posted video sa kaniyang Facebook page, sinabi ng pangalawang pangulo, na kasalukuyang caretaker ng bansa habang nasa Saudi Arabia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kaisa siya ng bawat Pilipino at ng international community sa pagpahayag ng pagkabahala sa lumalalang giyera sa rehiyon.

Bagamat hindi eksaktong binanggit ang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas, iginiit ni Duterte, na tumatayo rin bilang kalihim ng Dept. of Education na ang mga bata ang pinakana-aapektuhan sa digmaan.

Bukod dito, malaki rin aniya ang epekto ng patuloy na kagulugan sa kaligtasan at seguridad ng mga Pilipino na naninirahan sa apektadong lugar.

Samantala, nagbabala si Duterte sa publiko hinggil sa posibleng pasakit na maaaring idulot ng digmaan, kabilang ang food security. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author