Nanguna sina Vice President at Education Sec. Sara Duterte, Senator Raffy Tulfo, at dating bise presidente Leni Robredo sa mga nakikitang papalit sa posisyon ni Pang. Bongbong Marcos Jr. Sa 2028.
Ito ang lumabas sa isinagawang survey ng Social Weather Stations mula April 15 hanggang 18 sa 1200 respondents; kung saan nakakuha ng 28% vote si V.P Duterte; 11% vote si Tulfo; habang 6% naman si Robredo.
Kumumpleto sa 10 spots sina Rodrigo Duterte, Manny Pacquiao, Robin Padilla, Isko Moreno Domagoso, Bongbong Marcos, Imee Marcos, at Sandro Marcos.
Ang sampling ay may error margin na ±3% para sa pambansang porsyento at ±6% bawat isa para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ang survey ay kinomisyon ni Arnel Ty.