dzme1530.ph

VP Sara Duterte, ikinatwirang walang nakita kaugnay ng insidente ng pang-i-isnab kay Speaker Romualdez

Tumanggi si Vice President Sara Duterte na mag-komento sa umano’y pang-i-isnab niya kay Speaker Martin Romualdez sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Si Romualdez ay bahagi ng Philippine Delegation na kasama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang 3-Leg Trip sa Amerika noong nakaraang linggo, habang si Duterte ay sumalubong sa pagbabalik ng delegasyon noong Lunes ng gabi.

Sa video, makikitang nilagpasan ni VP Sara si Romualdez na naglalakad papalapit sa kanya para makipagkamay.

Ikinatwiran ng bise presidente na hindi niya nakita ang nasa social media kaya hindi siya makapag-komento.

Una nang inihayag ni Romualdez na inaasahang niyang magiging maayos na ang relasyon sa pagitan ng Kamara at ni VP Sara matapos iatras ng pangalawang pangulo ang paghingi ng P500 million na Confidential Fund sa ilalim ng panukalang 2024 National Budget. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author