dzme1530.ph

VP at Education Sec. Sara Duterte, nagbigay ng mensahe sa paglulunsad ng Matatag K to 10 curriculum program ng DepEd

Nagpaabot ng mensahe si Vice President at Education Sec. Sara Duterte sa mga mag-aaral at mga magulang hinggil sa paglulunsad ng bagong Matatag K-to-10 Curriculum Program ng Department of Education.

Sa mensahe ng ikalawang pangulo sa launching ng programa, sinabi nito na layon ng bagong curriculum na mas mapaigting at mapa-unlad ang kakayahan ng bawat estudyante sa bansa.

Layunin din aniya ng Matatag K to 10 curriculum program na magkaroon ng focus sa larangan ng literacy, numeracy, at socio-emotional skills ang mga mag-aaral.

Nais din ng bise-presidente na maibalik ang good manners and right conduct sa bawat mag-aaral, na nakapaloob sa ra 11476 o ang GMRC and Values Education Act of 2020.

Nagpasalamat naman si VP Sara kay dating DepEd Secretary Leonor Briones sa pag-gabay at pagbubukas ng pag-aaral sa pagrebisa ng bagong curriculum. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author