dzme1530.ph

Vlogger na si Toni Fowler ipinaaresto ng korte sa Pasay City

Ipinag uutos na ng National Capital Judicial Region Branch 108 ng Pasay City ang pag aresto sa kilalang internet celebrity at influencer na si Tonimari B. Fowler o mas kilala sa “Toni Fowler”.  o “Mommy Toni”.

Batay sa inilabas na Warrant of Arrest na may petsang January 17, 2024 nakasaad dito ang paglabag sa Revised Penal Code art. 201 na may kaugnayan sa seksyon 6 ng RA 10175, o may kinalaman sa Cybercrime Law.

Nabatid na sinampahan ito ng kasong kriminal sa Pasay City Procecutor Office, ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas, dahil sa malalaswang video nito sa social media.

Ayon sa nabangit na grupo hindi magandang impluwensiya sa kabataan at pag abuso sa artistic expression ang ipinapakita ng vlogger sa kanyang video.

Bukod umano sa maseselang bahagi ng katawan ng lalaki, kung saan may isinama ding umano itong menor de edad sa eksena.

Sakaling madakip may inilaan naman ang korte na piyansa P120,000,00 para sa pansamantalang kalayaan ni Fowler. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author