dzme1530.ph

Visayas grid, muling isasailalim sa yellow alert mamaya

Muling isasailalim ang Visayas grid sa yellow alert mamayang ala-6 hanggang ala-7 ng gabi dahil sa manipis na reserba ng suplay ng kuryente.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ito’y dahil sa 19 na planta ang naka-forced outage habang 6 na iba pa ang nasa mababang kapasidad.

Kasalukuyang nasa 2, 681 megawatts, ang available capacity ng sa Visayas grid, malapit sa peak demand nito na 2,377 MW.

Una nang ibinabala ng Department of Energy, ang posibleng yellow at red alerts sa mga susunod na linggo, matapos lumagpas sa ‘forecasted demand’ ang suplay ng kuryente sa bansa na epekto ng El Niño phenomenon.

About The Author