dzme1530.ph

VIP treatment kay Mayo, hindi totoo —BJMP

Pinabulaanan ng Bureau of Jail Management ang Penology na binibigyan nila ng “VIP” treament ang kontrobersiyal na si PMSgt. Rodolfo Mayo na nakaditine sa kanilang pasilidad matapos madakip sa kaso ng 990 kilo ng shabu haul noong 2022.

Ayon sa pamunuan ng BJMP, itinuturing na high value target sa loob ng piitan si Mayo kaya kailangan nilang higpitan ang seguridad para dito.

Ayon sa BJMP, simula nang malipat sa kanilang pasilidad si Mayo, hindi pa ito lumabas ng selda kung saan kasama niya ang kapwa akusado na si Ney Atadero.

About The Author