dzme1530.ph

Vietnamese businesses, nagpahiwatig ng interes na mag-expand sa Pilipinas

Nagpahiwatig ng interes ang Vietnamese businesses na i-expand o palawakin pa ang kanilang presensya sa Pilipinas.

Sa kanyang arrival statement matapos ang 2-day state visit sa Vietnam, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sa kanyang pakikipag-dayalogo sa Vietnamese business leaders, ipinabatid nila ang interes na bumuo ng kooperasyon sa mga negosyo sa Pilipinas, para sa traditional at non-traditional economic activities.

Partikular umanong nagpahiwatig ng interes ang Vingroup Company para sa kolaborasyon sa artificial intelligence, medical courses, electric vehicle industry, at battery production.

Samantala, itinaguyod din ng Pangulo ang interes ng Filipino businesses sa Vietnam, kasabay ng pagtitiyak ng kahandaang tumulong ng gobyerno upang makasabay sila sa foreign markets.

Si Pangulong Marcos at ang Philippine delegation ay dumating sa bansa kaninang madaling araw. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author