dzme1530.ph

Vietnam, mag-eexport ng 2M ASF Vaccine sa Pilipinas sa Oktubre

Mag-e-export ang Vietnam ng 2 million vaccine doses laban sa African Swine Fever sa Pilipinas sa Oktubre.

Sa statement ng Vietnamese Government, inihayag nito na ang bakuna na dadalhin sa Pilipinas ay nilikha para sa commercial use ng AVAC Vietnam JSC.

Matatandaang, nakapagpadala na ang Vietnam sa Pilipinas ng 300,000 doses ng bakuna mula nang ito ay maaprubahan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author