dzme1530.ph

Victor Wembanyama, pinili bilang no. 1 overall ng Spurs sa 2023 NBA Draft

Si Victor Wembanyama ang top pick ng San Antonio Spurs sa 2023 NBA Draft sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.

Inaasahan nang magiging first pick ang 7-foot-4 na French center dahil ikinukonsidera siya bilang most exciting draft prospects.

Pinangunahan ng disi-nueve anyos ang kanyang Metropolitans 92 team sa finals ng LNB Pro A Season ng France at hinirang bilang Season MVP.

Mayroon siyang average na 21.6 points, 10.4 rebounds, at 3.0 blocks per game.

Pinili naman ng Charlotte Hornets si Brandon Miller sa No. 2 habang ang Portland Trail Blazers ay kinuha si Scoot Henderson ng G League Ignite sa third pick. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author