dzme1530.ph

Vice Ganda at Ion Perez, nagbakasyon sa gitna ng imbestigasyon ng MTRCB sa kanilang “indecent acts”

Nagbakasyon muna sa kanilang work commitments ang celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez, matapos ipatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang “It’s Showtime” producers bunsod ng umano’y “indecent acts” ng dalawa.

Sa Instagram ay ibinahagi ng TV Host-Comedian ang litrato nila ni Ion bago ang kanilang flight patungo sa hindi tinukoy na lugar.

Nilagyan ito ni Vice ng caption na “labing-labing muna,” at mayroon pang airplane at smiling face with heart-eyes emoji.

Sa hiwalay na post sa X (dating Twitter), sumagot si Vice Ganda sa comment ng isang fan at sinabing pinayagan lamang sila ni Ion para sa dalawang araw na bakasyon.

Una nang pinadalhan ng MTRCB ng “Notice to Appear and Testify” ang producer’s ng “It’s Showtime,” kung saan tinukoy ang gestures nina Vice at Ion sa “Isip Bata” segment ng Noontime show sa kanilang July 25 episode. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author