dzme1530.ph

Vic Sotto, magiging tatay ulit sa edad na 69

Magiging tatay ulit si Vic Sotto sa edad na 69.

Sa Instagram ay inanunsyo ng misis ni Vic na si Pauleen Luna na ipinagbubuntis nito ang ikalawa nilang anak, sa pamamagitan ng post na magiging big sister na ang kanilang panganay na si Tali.

Maraming fans at celebrities naman ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa pamilya Sotto para sa bagong blessing.

Sina Vic at Pauleen ay ikinasal noong 2016 at isinilang kanilang panganay na si Tali noong 2017.

Si Vic ay mayroong apat pang anak na kinabibilangan nina Danica at Oyo kay Dina Bonnevie; Mayor Vico Sotto kay Coney Reyes; at Paulina kay Angela Luz. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author