Pinayagan ng Supreme Court ang veteran journalist at Rappler CEO na si Maria Ressa na bumiyahe muli sa ibang bansa para sa ilang speaking engagements.
Sinabi ng kataas-taasang hukuman na pinayagang lumabas ng bansa si Ressa sa June 4 hanggang June 29 subalit may ilang mga kondisyon gaya ng cash bond na P100,000 na una na nitong inilagak alinsunod sa naunang resolusyon ng Korte.
Inobliga rin ng SC ang veteran journalist na mag-transmit sa Korte ng advise para sa kanyang pagbabalik sa bansa sa loob ng limang araw bago ang kanyang pagdating.
Ayon sa Korte Suprema, nakatakdang bumiyahe si Ressa sa Italy, Singapore, United States, at Taiwan.
Una nang pinayagan ng SC si Ressa na bumiyahe sa abroad noong March 13 hanggang April 1, 2023 at Oktubre naman ng nakaraang taon nang pagtibayin ng Court of Appeals ang Cyberlibel convictions ni Ressa at dating Rappler Researcher na si Reynaldo Santos. —sa panulat ni Lea Soriano