Pumanaw na ang batikang broadcaster na si Mike Enriquez sa edad na 71.
Kagabi ay kinumpirma sa news program na 24 Oras ng GMA Network ang pagpanaw ni Enriquez na isa sa orihinal na anchors ng programa.
Sa statement, sinabi ng Kapuso Network na ang dedikasyon ni enriquez sa industriya ay magsisilbing inspirasyon sa lahat.
December 2021 nang maghain ng Medical Leave ang beteranong broadcast journalist para sumailalim sa kidney transplant at bumalik sa trabaho noong Marso ng nakaraang taon para sa 2022 election coverage.
2018 nang mag-medical leave din si Enriquez para sumailalim sa heart bypass at ipagamot ang sakit sa kidney. —sa panulat ni Lea Soriano