dzme1530.ph

Veteran broadcaster Mike Enriquez, binigyang pagkilala sa German Moreno Walk of Fame sa Eastwood

Nag-set up ng small tribute ang Eastwood City sa star na nakapangalan sa veteran broadcaster na si Mike Enriquez sa German Moreno Walk of Fame sa Quezon City.

Sa larawan na ibinahagi ng Eastwood City, naglagay sila ng framed portrait ng brodkaster na may kasamang kandila at bouquet ng bulaklak.

Ayon sa pamunuan, ang naturang tribute ay para sa ilang dekada ng paglilingkod ni Mike sa milyun-milyong Pilipino sa bansa at sa abroad.

Dagdag pa nito, ang kanyang bituin ay patuloy na magniningning gaya ng kanyang passion, sigasig, at katapatan sa kanyang tungkulin.

Nabatid na kahapon ay inanunsyo ng mga mahal sa buhay ng batikang brodkaster ang kanyang pagpanaw sa edad na 71. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author