dzme1530.ph

Veteran Actor na si Robert Arevalo, pumanaw na sa edad na 85

Pumanaw na ang veteran actor na si Robert Arevalo sa edad na 85.

Sa Facebook post ni Anna Ylagan, ibinahagi nito ang malungkot na balitang binawian ng buhay ang kanyang ama, pasado alas-10, kahapon ng umaga.

Ibuburol ang aktor o si Robert Francisco Ylagan sa totoong buhay, pagkatapos ng kanyang cremation, sa Arlington Chapels sa Quezon City, bukas, araw ng Sabado at sa Linggo.

Ipagdiriwang sana ni Arevalo at kanyang maybahay na si Barbara Perez ang kanilang 61st Wedding Anniversary ngayong Biyernes.

About The Author