dzme1530.ph

Validity ng mga bagong motorcycle registration, pinalawig

Pinalawig ng Land Transportation Office ng tatlong taon ang validity ng lahat ng bagong motorcycle registrations.

Bago ang anunsyo ng LTO ay tanging motor na may engine displacements na atleast 201CC ang kuwalipikado para sa three-year validity ng kanilang initial registration.

Naniniwala si LTO chief Jay Art Tugade na hindi magkakaroon ng problema sa road worthiness ng mga motorsiklong may tatlong taong rehistro dahil ang mga ito naman ay bagong sasakyan.

Idinagdag ni Tugade na ang naturang inisyatiba ay bahagi ng kanilang ipinatutupad na mga hakbang upang mabigyan ng kaginhawaan sa pakikipag-transaksyon ang publiko.

Tinatayang 2M units ng motorsiklo ang inaasahang makikinabang sa naturang polisiya ngayong 2023.

About The Author