dzme1530.ph

Utang ng Pilipinas, pumalo sa panibagong record high na P14.24-Trillion noong Hulyo

Tumaas ng 0.7% ang utang ng pamahalaan o karagdagang P96.44 billion, kaya pumalo sa all-time high na P14.24 trillion ang utang ng Pilipinas hanggang noong katapusan ng Hulyo mula sa P14.15 trillion noong katapusan ng Hunyo.

Ito, ayon sa Bureau of Treasury (BTr), ay dahil mas mataas na naman kasi ang bagong domestic borrowings kumpara sa mga ibinayad na utang.

Sa total outstanding debt, 69% o  P9.81 trillion ay inutang mula sa domestic lenders habang 31% o  P4.43 trillion ay mula sa foreign creditors. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author