Lumobo sa panibagong record-high ang utang ng pamahalaan hanggang noong katapusan ng Abril, batay sa datos mula sa Bureau of Treasury.
Umabot na sa P13.911-T ang outstanding debt ng gobyerno, mas mataas ng 0.4% o P52.24-B, mula sa P13.856-T na utang as of March 31, 2023.
Iniuugnay ng treasury ang paglobo ng utang sa net issuance ng external debt at paghina ng halaga ng piso kontra dolyar.
68% ng kabuuang utang ng pamahalaan ay mula sa domestic lenders habang ang natitirang 32% ay inutang sa labas ng bansa. —sa panulat ni Lea Soriano