Inaasahang lolobo sa P15.84-T ang utang ng Pilipinas pagsapit ng 2024, ayon sa Department of Budget and Management.
Sa datos mula sa Budget of Expenditures and Sources of Financing ng DBM, tinatayang lalago ng 8.3% ang utang ng bansa sa pagtatapos ng 2024, mula sa P14.62-T debt level na inaasahan sa pagtatapos ng 2023.
Plano naman ng national government na umutang ng P3.08-T sa susunod na taon.
Sa naturang plano, P2.47-T ay magmumula sa local lenders habang P606.85-B ay manggagaling sa external sources. —sa panulat ni Lea Soriano