dzme1530.ph

US visa application fees, magtataas sa May 30

Magpapatupad ng dagdag-singil para sa non-immigrant visas ang Estados Unidos simula Mayo 30.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa US, aprubado na ng US State Department ang pagtataas ng singil sa application.

Dagdag pa ng Embahada, mula $160 ay tumaas na sa $185 ang application fee para sa Visitor Visas for Business or Tourism (B1/B2s) at iba pang non-petition-based non-immigrant visas, tulad ng Student at Exchange Visitor Visas.

Nagmahal na rin ang application fee para sa petition-based non-immigrant visas para sa sumusunod na temporary workers mula $190 sa $205.

Para naman sa application fee ng Treaty Trader, Treaty Investor, at Treaty Applicant sa specialty occupation (e category) umakyat na rin mula 205 dollars sa 315 dollars.

Samantala, nilinaw naman ng embahada na ang mga aplikanteng nakapagbayad na ng visa application fee na hindi pa expired, ngunit hindi pa nakakapag-visa interview, ay hindi sisingilin ng anumang karagdagang bayad.

About The Author