dzme1530.ph

US President Joe Biden, personal na kinumusta ang mga wildfire victims sa Hawaii

Personal nang kinumusta ni US President Joe Biden ang kalagayan ng mga naapektuhan ng malawakang wildfire sa Maui, Hawaii.

Batay sa ulat ng ilang pahayagan, nag-ikot si Biden at isa-isang kinausap ang responders ng sunog.

Sinabi naman ni Maui Mayor Richard Bissen, na aabot sa mahigit 100 residente ang nasawi habang nasa 900 ang nawawala at patuloy pa ring pinaghahanap ng mga otoridad.

Hindi pa man tuluyang nakakabangon ang mga taga-Hawaii, muli na namang nangangamba ang mga residente sa pinakahuling anunsyo ng national weather service kaugnay sa mararanasang ng ilang araw na pag-ulan dala ng sama ng panahon. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author