dzme1530.ph

Updated vax certificate guidelines para sa mga biyahero, inilabas ng DOH

Naglabas ang Dept. of Health sa pamamagitan ng Bureau of Quarantine ng updated guidelines ng vaccine certificate para sa mga biyahero.

Ayon sa ahensya, hindi na kailangan para sa International arrivals ang pagpapakita ng Covid-19 vaccination certificate.

Dahil dito, maaari nang tanggapin ang lahat ng mga biyahero mula sa ibang bansa anuman ang vaccination status.

Samantala, dedepende sa country of destination ang vaccination requirements ng mga biyahero na aalis ng Pilipinas. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author