Posible na bahagyang mabawasan ng 0.3% ang produksyon ng unmilled rice sa third quarter ng 2023.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang aabot sa mahigit 3.78 million metric tons ang palay production mula Hulyo hanggang ngayong Setyembre, na mas mababa kumpara sa 3.79 MMT na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Posible ring bumaba ang lupang sakahan sa 926,950 hectares sa third quarter mula sa 931,750 hectares noong 2022.
Samantala, tinatayang aabot sa 2.48 MMT ang produksyon ng mais sa nasabing quarter, mas mataas ng 5.4% mula sa 2.35 MMT sa kaparehong period noong nakaraang taon. —sa panulat ni Airiam Sancho